Pinawi ng Batangas provincial veterinarian office ang pangamba ng publiko matapos na ma-detect ang isang solitary case ng bird flu, o highly pathogenic avian influenza Type A sa bayan ng Ibaan, Batangas.
Sa isang pahayag na inilabas noong Biyernes ng hapon, sinabi ni Romelitor Marasigan, Batangas provincial veterinarian, na isang “isolated case” ng avian influenza Type A (H5N1) ang nakita sa isang “non-commercial facility o leisure farm” sa Barangay Sabang.
“Culling and disposal of poultry and infected materials have been completed. Avian Influenza control measures have been set in place,” ayon sa facebook post ng Facebook of Batangas public information office.
Kabilang din sa ginawang prevention para maiwasan ang pagkalat ng sakit ay ang pagsasagawa ng monitoring mula sa 1 at 7-kilometer radius zone, at ang paglalagay ng mga checkpoint upang limitahan ang transportasyon ng mga manok at mga produkto ng manok sa loob at labas ng 1-kilometer zone.”
Ayon pa kay Marasigan, walang malapit na commercial poultry facility sa infected area.
Nilinaw din nito na walang iba pang napapaulat na pagkakasakit at pagkamatay ng mga manok sa lugar.
Hinikayat ni Marasigan ang lahat ng mga farms na patuloy na magpatupad ng mahigpit na biosecurity measures at sumunod sa mga precautionary safeguard ng pamahalaang panlalawigan. (Ronilo Dagos)
The post Bird flu sa Batangas, kontrolado na first appeared on Abante Tonite.
0 Comments