Biyahe pa-Quezon inawat ng Coast guard

Sinuspinde pa rin sa Philippine Coast Guard ang biyahe ng lahat ng maliliit na pampasaherong bangka at maging ang paglaot ng maliliit na mangingisda sa lalawigan ng Quezon.

Sa inilabas na Sea Travel Advisory ng PCG Quezon nitong Martes ng tanghali, lahat ng sasakyang dagat na mas mababa sa 250 Gross tonnage ay hindi puwedeng magbiyahe.

Ayon sa PCG, ito ay base sa weather forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, gale warning number 43 kahapon ng umaga, na sinasabing kasama sa magkakaroon ng maalong karagatan ang eastern seaboard ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao, kasama ang mga karagatan ng Quezon at Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate kasama ang Burias Island, Albay, Sorsogon, Northern Samar, Eastern Samar, Surigao Del Sur, Dinagat Island at Siargao Islands.

Apektado nito ang biyahe sa Quezon ng mga motor banca patungo sa Polillo group of Island at pabalik; Atimonan at Gumaca port patungo sa Alabat Island.

Tanging ang malalaking RORO lamang ang pinapayagan ng PCG. (Ronilo Dagos)

The post Biyahe pa-Quezon inawat ng Coast guard first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments