Bantag reresbakan ng BuCor sa tinorture na 2 preso

Muling nakaladkad ang pangalan ni suspendidong Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag nang akusahan ito sa pag-torture sa mga preso sa New Bilibid Prison (NBP).

Sanhi nito, sinabi ni BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang na posibleng maharap sa karagdagang kaso si Bantag.

“Hopefully I can file the case this Friday at the fiscal’s office,” ani Catapang.

Ayon kay Catapang, ang kanyang kaso ay kahalintulad ng paglabag sa Human Rights matapos na malaman na dalawang preso ang kanyang sinaksak sa NBP.

Ang 2 inmate na kinilala sa alyas na Luis at Rodel ay iprinisinta sa media noong Lunes.

Nangyari umano ang insidente noong Pebrero 1 nang magalit ito sa nangyaring jailbreak at nakainom.

Sinaksak umano sa hita si Luis habang sa kamay naman si Rodel.

Ayon kay Catapang, Oktubre pa lamang ay mayroon nang gustong magsalita at pinakukunan na niya ito ng salaysay.

Samantala, sinabi ni Catapang na inaalam pa niya ang posibleng krimen na ginawa ng mga opisyal sa Iwahig facility sa Palawan na sangkot rin sa pag-torture sa mga preso. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Bantag reresbakan ng BuCor sa tinorture na 2 preso first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments