Bumuo ang Department of Education-National Capital Region (DepEd-NCR) ng fact-finding committee para imbestigahan ang diumano’y maternity leave scam na nagaganap sa kagawaran.
Ito’y makaraang mabunyag na may ilang guro ang sangkot diumano sa scam katulad ng isang titser na 11 beses umanong nag-file ng maternity leave sa loob ng tatlong taon.
Sa pahayag ng DepEd-NCR, pamumunuan ni Atty. Joylyn P. Dulnuan, chief administrative officer, ang binuong fact-finding committee na kakalkalin ang mga record at dokumento para maberipika ang mga isiniwalat ni DepEd-TAPAT Curriculum Implementation Division chief Dr. Ellery Quintia.
Hinimok din ng DepEd-NCR si Quintia na magsumite ng kanyang sinumpaang salaysay kasama na ang mga importanteng dokumento ukol sa ibinunyag niyang maternity leave scam na makatutulong ng malaki sa isasagawang imbestigasyon.
“Also, DepEd-NCR calls on individuals and/or personnel who have information on the matter to come forward and participate in the investigation process,” dagdag pa sa pahayag.
Tiniyak din ng DepEd-NCR na magiging patas ang gagawing imbestigasyon sa isyu ng maternity leave scam. (Dolly Cabreza)
The post DepEd exec pipigain sa maternity leave scam first appeared on Abante Tonite.
0 Comments