DICT: 9,000 lugar kakabitan ng libreng Wi-Fi

Target ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na makapaglagay ng mahigit 9,000 libreng Wi-Fi site sa susunod na taon para mapahusay ang digital transformation ng bansa.

Sa Laging Handa public briefing nitong Huwebes, sinabi ni DICT Undersecretary Anna Mae Lamentillo na layon nilang magkabit ng 9,762 karagdagang Wi-Fi site sa mga pampublikong lugar at 162 naman sa mga unibersidad at kolehiyo na pinatatakbo ng gobyerno.

Ayon kay Lamentillo, kasalukuyang mayroong 4,757 live site sa 75 probinsya at sa National Capital Region (NCR) sa ilalim ng digitalization program ng gobyerno.

Aniya, ang pagtatayo ng mga libreng Wi-Fi site ay nasa ilalim ng Broadband ng Masa Program (BBMP) ng DICT upang mapabuti ang digital infrastructure ng bansa.

“Isa sa mga programa ng DICT ay ang Broadband ng Masa na naglalayong magbigay ng mas mabilis at mas mahusay na koneksyon sa broadband sa bansa lalo na para sa mga geographically isolated at disadvantaged areas,” paliwanag pa ng opisyal. (Dolly Cabreza)

The post DICT: 9,000 lugar kakabitan ng libreng Wi-Fi first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments