DOLE pinasa sa Regional board dagdag-sahod

Ipapaubaya ni Labor secretary Bienvenido Laguesma sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards ang pagpapasya sa panibagong hirit na umento sa sahod sa susunod na taon.

Si Laguesma, ang tumatayong Chairman ng National Wages and Productivity Commission kung saan napupunta ang anumang apela.

Kasabay nito, nagsasagawa na aniya ng pag-aaral ang iba’t ibang Regional Board at inaayos na ang proseso sa pagdinig sa National Capital Regional.

Iginagalang naman ng Kalihim ang mandato ng lehislatura sa isyu ng panukalang batas sa Kamara na bubuwag sa mga wage board at magkaroon ng National Wages and Productivity Board at hayaan ang Kongreso na magtakda ng suweldo.

Gayunman, binigyan diin ni Laguesma na ang umiiral na Regional Tripartite Wages and Productivity Boards ang pinakamainam o epektibong mekanismo.

Mayroon aniya ka­sing direktang partisipasyon ang ‘involved’ na sektor sa pangu­nguna ng mga manggagawa, namumuhunan at gobyerno na nagbabalanse. (Mina Navarro)

The post DOLE pinasa sa Regional board dagdag-sahod first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments