Mga guro, DepEd staff hindi P20K bonus

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) nitong Martes na ang mga empleyado nito ay makakatanggap ng P15,000 one-time Service Incentive.

Sa isang DepEd memorandum nitong Disyembre 19, sinabi na ang incentive ay ipapamahagi hanggang Ene­ro 6, 2023 at ibibigay ng direkta sa mga empleyado nito.

“Itong pag-release ng cash ay maaaring maging problema sapagkat mahihirapan ang mga staff natin sa division offices na magawa ito nang mabilisan,” sabi ni Teachers’ Dignity Coalition National Chairperson Benjo Basas.

“Kaya nga nakikiisa kami sa kanila na kung maaari ay sa ATM na lang muli ipadaan ang SRI,” dagdag pa niya.
Nagpapasalamat si Basas na hindi ito kasing baba ng P10,000.

“Ayos na rin ito, salamat pa rin at natugunan ang isa sa kahilingan ng mga empleyado. Sana maibigay nang mas maaga,” ani Basas.

The post Mga guro, DepEd staff hindi P20K bonus first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments