Jake Cuenca sa tagal sa showbiz ngayon lang nagbida sa MMFF

Nagulat kami nang nalaman namin mismo kay Jake Cuenca na unang beses pa lamang niyang magbida sa isang pelikulang entry sa Metro Manila Film Festival!

“Siguro…actually nung mga ano naman, nung mga nakaraan nakapag-MMFF ako with Bossing Vic [Sotto], with Coco [Martin], naging kontrabida din ako sa Panday, first time ko ngayon na mag-lead for Metro Manila Film Festival.”

Ang entry ni Jake ay ang pelikulang My Father, Myself na bukod sa unang MMFF entry niya this 2022 bilang bida ay pinag-uusapan rin dahil sa kontrobersyal na tema nito, ang relasyon ng lalaki sa lalaki.

“And sa totoo lang ngayon pa lang proud ako, sobrang napaka-proud ko na ito din yung pelikula na pinagbidahan ko for the first [time]…kasi walang takot ‘tong pelikulang ‘to e, di ba?

“At the same time I’m very much honored yung first movie ko na Metro Manila Film Festival is with direk Joel Lamangan pa, napakaganda nun for my CV, for my portfolio.

“Siyempre…, siyempre R-18 kami, so siyempre iba yung expectations namin for this, pero confident kami na maganda ang pelikula namin at confident kami na pag napanood naman ng tao ‘to ay magugustuhan nila.”

Sa ilalim ng Mentorque Entertainment at 3:16 Media Network at sa panulat ni Quinn Carrillo, kasama ni Jake sa pelikula na ipapalabas sa December 25 sina Dimples Romana, Sean de Guzman, Tiffany Grey at Allan Paule. (Rommel Gonzales)

The post Jake Cuenca sa tagal sa showbiz ngayon lang nagbida sa MMFF first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments