Jeric handang ipakita ang puwet kina Bea, Yasmien at Alden

Iimbitahan sana ni Jeric Gonzales ang mga Start-Up PH co-stars niyang sina Bea Alonzo, Yasmien Kurdi at Alden Richards na panoorin ang pelikula niyang Broken Blooms sa special screening nito noong Sabado, December 3 pero hindi raw magkatugma ang mga schedule niya.

Ready naman raw si Jeric na makita ng tatlo ang pasabog na eksena niya sa pelikula ni direk Louie Ignacio kung saan nagpakita si Jeric ng puwet!

Sigurado raw na pagtatawanan ng tatlo ang mapangahas na eksena ni Jeric sa pelikula dahil hindi raw sanay ang mga ito na mapanood siya sa ganoong eksena lalo pa at napaka-wholesome ni Jeric sa Start-Up PH.

Showing sa mga sinehan sa December 14 ang Broken Blooms mula sa BenTria Productions ni Engineer Benjamin Austria and line producer Dennis Evangelista.

Ni Rommel Gonzales

The post Jeric handang ipakita ang puwet kina Bea, Yasmien at Alden first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments