Buong ningning na inamin ni Joaquin Domagoso na walong buwan na ang kanyang baby. Pinangalan niya ito ng Scott Angelo. Enjoy siya na kapiling ito sa bahay kasama ang gf niyang si Raffa Castro.
Deklara niya sa presscon ng kanyang launching movie na ‘That Boy in the Dark’
“Me and my family were both happy na my son is eight-month-old na. Bihira na rin akong umalis ng bahay because lagi ko siyang miss. Tulad ngayon nagwo-work ako, maraming feelings na hindi mo mararamdaman talaga. There’s so much new feelings all the time na nakakaiyak at nakakatuwa. Medyo iba na ngayon ang mundo ko. Yung mga sinabi before ng tatay ko or ng mama ko hindi ko naiintidihan. Ngayon parang gets ko na.”
Hindi rin daw niya direktang sinabi sa erpat niya (Isko Moreno) nang makabuntis siya. Ang manager niyang si Daddy Wowie Roxas ang nagsabi.
Inasar lang daw siya at kinantahan noon ni Isko na magiging daddy na siya. Sinabihan lang siya na panindigan ito na ginagawa naman niya.
Anyway, mapapanood na sa January 8, 2023 ang launching movie ni Joaquin matapos nitong umikot sa iba’t ibang international film festivals at humamig ng maraming awards including best actor!
Unang tinanghal na best actor si Joaquin sa Toronto Film and Script Awards. Sinundan ito ng isa pang best actor sa Five Continents International Film Festival sa Venezuela at nitong Christmas Day, best actor sa Boden International Film Festival BIFF) sa Sweden. Tatlong best actor awards in one movie!
Panalo rin sa Five Continents International Film Festival ang writer na si Gina Marissa Tagasa sa best screenplay habang si Kiko Ipapo ay wagi bilang best supporting actor.
Nanalo rin sa BIFF ng best director kay Alix, Jr. Feature Film.
Honorable mention ang suspense-thriller sa Toronto Film and Script Awards
Nagmarka ang pangalan ni Joaquin nang ipakilala siya sa most-wached Kapuso TV series na ‘First Yaya’ noong 2020 bilang love interest ni Cassey Legaspi. Nasundan agad ito ng sequel na ‘First Lady.’
Sa ‘That Boy in the Dark,’ si Joaquin ay si Knight na sa murang edad ay nasangkot sa isang aksidente dahil sa away ng ama’t ina ( Charo Laude at Ramon Christopher). Nagkaroon ng head trauma si Knight na naapektuhan ang optic nerve na naging daan upang mabulag. Nawala ang kanyang ina habang sumama ang ama sa kanyang kabit.
Tuluyang nabulag si Knight sa edad na 19. Naiwan siya sa lolo at mabait na tagapag-alaga na si Mamay Ched (Lotlot de Leon).
Lumaking rebeldeng anak si Knight dahil sa sitwasyon sa buhay. Pero kahit bulag, nagkaroon siya ng “special skill) – ang matalas na pandinig!
Dahil sa pananatili sa bahay, doon na nakaramdam ng kakaibang pangyayari sa paligid si Knight gaya ng isang babaeng naaanig niya kahit madilim ang pangin.
Natuklasan ni Knight ang bumabalot na hiwaga sa babae na dati niyang childhood friend , Ellie (Aneesa Gutierrez) at lalo niyang natuklasan ang iba pang magkakaugnay na lihim na bumabalot sa pagkatao ni Ellie at ng katunggali na si Danos (Kiko Ipapo)
Anak si Joaquin ng former Manila Yorme Isko Moreno na nagbabalik din sa showbiz, Kaya naman nasa dugo talaga ni JD ang pagiging mahusay na aktor.
At 21 years old, malayo pa ang mararating ni Joaquin bilang artista .Ang That Boy In The Dark ang simula ng pagiging aktor niya in the truest sense of the word na batbat ng resibo ng kahusayan sa murang gulang sa limang international awards!
Kamakailan, tumanggap muli ng bagong parangal si Joaquin bilang Silver Winner as Lead Actor sa December 2022 Latitude Film Awards at gayundin si direk Adolf na Silver Winner din sa Directing.
Sa unang movie, suportado si Joaquin nina Lotlot de Leon, Glydel Mercado, Ramon Christopher, Nading Joseph, at introducing sina Aneessa Gutierrez at Kiko Ipapo. Palabas na ito sa sinehan nationwide sa January 8, 2023.
The post Joaquin inamin ang 8 buwan na baby first appeared on Abante Tonite.
0 Comments