Kuya dedo kay sis sa away aso

Patay ang isang 63-anyos na lalaki matapos saksakin sa dibdib ng nakababatang kapatid na babae dahil sa pagtatalo sa kanilang alagang aso kamakalawa sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni PSMs Jansen Rey San Pedro, imbestigador ng Manila Police District-homicide section, ang biktimang si Rommel Imperial habang arestado naman ang kapatid niyang si Roxanne Clowers y Imperial, 49, kapwa nakatira sa 508 Pavia St., Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon, alas-5:20 ng hapon nang mangyari ang krimen sa loob ng bahay ng magkapatid.

Nabatid na nagtalo umano ang mag-utol dahil sa alaga nilang aso hanggang kumuha ng kitchen knife ang babae at inundayan ng saksak sa dibdib ang kanyang kuya.

Isinugod ang biktima sa Mary Johnston Hospital pero binawian ng buhay alas-6:15 ng gabi.

Sinampahan naman ng kasong homicide sa Manila Prosecutors Office ang suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Kuya dedo kay sis sa away aso first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments