“So many assume. So little know.”
~ Unknown
Ang Christmas mission ko ay ibalik ang sangkatauhan (humanity) sa mundo.
Tulungan ninyo ako na ikalat muli ang pagmamahal at respeto sa bawat isa , lalo na sa social media .
Simula noong 2016 national campaign , dumagsa ang mga fake accounts , fake news , bashers , haters at mga troll . Naging isang malaking negosyo ang troll farm .
Sa ulat ng Channel News Asia (CNA) noong Setyembre , 2022 , “ang isang troll sa Pilipinas ay maaaring kumita kahit saan sa pagitan ng P30,000 hanggang P100,000 pesos (S$740 hanggang S$2,480) bawat buwan .
Dahil dito, kumikita sa pananalapi ang trolling kumpara sa average na buwanang sahod, na humigit-kumulang P16,500 sa lahat trabaho at industriya noong 2020.
Karamihan sa mga kliyente ng farm troll ay mga politiko . Ang nakakalungkot , ayon na rin kay dating Sen. Panfilo Lacson , buwis ng taumbayan ang pinambabayad sa kanila .
Ang “minor social media engagement” para sa isang “lokal na kliyente mula sa isang pangunahing lungsod” ay maaaring mula P300,000 hanggang P500,000 pesos bawat buwan, habang ang “katamtamang” operasyon para sa isang “pambansang kliyente” ay maaaring mula P800,000 hanggang isang milyong piso bawat buwan.
Simple lang ang trabaho ng troll farm ;
– magpakalat ng maling balita sa kalaban ng kanilang kliyente ;
– magpakalat ng pekeng balita ng karangalan o ginawa ng kanilang kliyente ;
– sirain ang kredibilidad ng mga mamamahayag na nagbubulgar ng mali sa kanilang kliyente ;
– bantayan at sirain ang araw ng mga kritiko ng kanilang kliyente ;
At ngayong pasko , sa kabila na ang mensahe at kapayapaan at pagmamahalan , hindi pa rin sila tumitigil sa paghasik ng poot at negatibong bagay sa kapwa .
Isa sa pamanang utos ng nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayon , na si Panginong Hesukristo , “Magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. Wala nang higit na dakilang pag-ibig kaysa dito: ang mag-alay ng buhay para sa mga kaibigan. (Juan 15:12-13) “
Dagdag pa ni Hesus , “Narinig ninyo na sinabi, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa at kapootan ang iyong kaaway.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo, upang kayo ay maging mga anak ng inyong Ama sa langit. Pinasisikat niya ang kanyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga matuwid at sa mga hindi matuwid. (Mateo 5:43-45)”
Huwag sana natin itong kalimutan . Mayroon tayong responsabilidad sa bawat isa – ang matiyak na maging maayos ang buhay ng iyong kapwa at hindi ang kamuhian at maghayag ng masasakit na salita.
Saksi tayo sa ipinapakitang pagmamahalan ng mga hayop , hindi ba mas higit tayong nilalang sa kanila ?
Ang tanong , nagwawagi na ba si Satanas o hahayaan ba natin siyang mangibabaw sa sangkatauhan ?
Huwag naman sana . Itigil na ang pagkita ng pera gamit ang pagkamuhi sa iba .
Manalangin tayo sa Espiritu Santo na bigyan tayo ng talino at lakas para mahikayat natin muli ang mga troll at basher na manumbalik sa kalinga ni Hesus . At sa huli , tayo ay magtatagumpay .
Maligayang Pasko sa lahat.
The post Itigil ang pagkita ng pera gamit ang pagkamuhi sa iba first appeared on Abante Tonite.
0 Comments