Wanted sa 5 rape case dinakma

Himas-rehas ngayon ang isang 40-anyos na lalaki matapos arestuhin dahil sa limang kaso ng panggagahasa sa Cauayan City, Isabela kamakalawa.

Kinilala ng Cauayan City Police Station ang suspek na si Aniceto Gabino, nakatira sa Barangay Amobacan sa nasabing siyudad at tinagurian umanong number 1 most wanted person sa buong Region 2 o Cagayan Valley.

Ayon sa report ng tanggapan ni Cauayan City Police chief Lt. Col. Shewin Cuntapay, dinakip ang suspek sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Judge Ariel Managuelod ng Cauayan Regional Trial Court Branch 40.

Batay sa rekord ng hukuman, akusado umano si Gabino sa limang kaso ng panggagahasa sa magkakaibang lugar sa Region 2 at nahaharap sa mga kasong kriminal.

Kasalukuyang nakakulong si Gabino sa selda ng Cauayan City Police Staiton habang inihahanda na ang mga kaukulang dokumentasyon kaugnay sa mga isinampang kaso ng panggagahasa laban sa kanya. (Allan Bergonia)

The post Wanted sa 5 rape case dinakma first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments