Working student, niluray ng team leader

Pinagsamantalahan ang working student ng kanyang team leader sa pinagtatrabahuhang convenience store matapos na makipag-inuman sa tahanan ng kanilang store manager sa Cubao, Quezon City.

Ang suspek ay nakilalang si Sherwin Cabal Flores, 24, may asawa, clerk staff ng isang convenience store, at taga-#33 BMA Brgy. Tatalon, QC.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Cubao Police Station 7), alas-siyete ng gabi (Disyembre 3), nang maganap ang insidente sa Westpoint St. Brgy. E. Rodriguez Cubao.

Bago ang insidente, alas-onse ng umaga noong Disyembre 3, ay nagkayayaang mag-inuman ang suspek at ang biktima sa tahanan ng kanilang store manager na si Dennis Delos Santos sa nasabing barangay.

Nang malasing ang biktima ay inalalayan ito ng misis ng store manager at dinala sa silid upang makapagpahinga.
“Nag-black out po ako kaya inasikaso ako nung misis ng store manager namin. Tapos kinukulit daw sila ni Sherwin na gisingin na ako para umuwi na kami,” pahayag ng 20-anyos na biktima.

Dahil umano sa kakulitan ay sinabihan ang suspek ni Delos Santos na gisingin ang biktima.

Nang abutan ng suspek na nakabulagta sa kalasingan ang dalaga ay pinagsamantalahan ito.

Nang mahimasmasan ay napansin ng dalaga na nakababa na ang kanyang underwear at short pants, at nakita ang suspek na nagbibihis na rin saka lumabas ng kuwarto.

Nagsumbong ang biktima sa misis ng kanyang store manager sa sinapit kaya agad siyang sinamahan sa mga opisyal ng Brgy. E. Rodriguez, na ikinadakip ng suspek. (Dolly B. Cabreza)

The post Working student, niluray ng team leader first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments