2 bebot pisak sa van, pick up

Nasawi ang dalawang babae matapos ang mga itong masagasaan ng dalawang sasakyan habang tumatawid sa Brgy. San Miguel, Sto. Tomas City, Batangas nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Nerissa Pevidal Tan, 60, at Genelyn Recaña Peñaroyo, 51, kapwa taga-Sta. Cruz, Marinduque.

Sa report ng Sto Tomas police, pasado ala-una ng madaling araw, tumatawid ang dalawa sa Maharlika highway nang masagasaan at makaladkad ang mga ito ng Hyundai van na minamaneho ng 29-anyos na si Noli Rojero.

Nasagasaan pang muli ang mga ito ng isang Toyota Hilux pick-up na minamaneho naman ni Richard Perol.

Isinugod ang dalawa sa magkahiwalay na ospital sa Tanauan City at Sto Tomas City subalit parehong idineklarang dead on arrival.

Ayon sa imbestigador ng kaso, galing sa kanilang mga kaanak sa Cavite ang mga biktima lulan ng van at tumigil lang ang mga ito sa lugar para kumain.

Patawid sana sa kabilang bahagi ng highway ang dalawa para mag-CR nang masagasaan ang mga ito.

Pansamantalang kinustodiya ng Sto Tomas City Police ang dalawang nakasagasang driver habang patuloy pa ang imbetigasyon. (Ronilo Dagos)

The post 2 bebot pisak sa van, pick up first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments