6 todas, 14 naratay sa iniwasang lubak

Anim ang patay habang 14 ang sugatan nang sumalpok ang isang pampasaherong jeep sa kasalubong na truck sa Pan Philippine highway sa Barangay San Rafael, Castilla, Sorsogon nitong Biyernes ng hapon.

Batay sa report ng Castilla, Sorsogon police, umiwas ang driver ng jeep sa lubak kaya nasakop nito ang linya ng kasalubong na truck na minamaneho ni Marlon De Leon Lorenzo, 51, at nagka-head on collision ang dalawang sasakyan alas-3:45 ng hapon.

Dead on arrival sa ospital ang anim na biktima na pawang pasahero ng jeep.

Kinilala ang mga nasawi na sina Erik Dino Deonida, 19-anyos; Karen Jamisola Maquiñana, 45, public school teacher; Maribel Lomerio Pardillo, 45; Heidy Locsin Albao, 58; Amparo Candia Bajaro, 50, at Janelle Abarientos, 17, mga residente ng Sorsogon City at bayan ng Castilla.

Sugatan naman ang driver ng jeep na si Rodolfo Anoevo Licup Jr., 53, at 13 pang pasahero na pawang nakaratay pa sa Castilla District Hospital.

Ayon kay Edgar Ardales Jr., head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Castilla, accident prone ang area dahil sa sunod-sunod na kurbada sa bahagi ng highway. (Ronilo Dagos/Edwin Balasa)

The post 6 todas, 14 naratay sa iniwasang lubak first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments