Alex ‘inuupakan’ pa rin

Nagpaumanhin na at lahat si Alex Gonzaga sa nagawang pagkakamali, sangrekwa pa rin ang naalibadbaran sa kanyang pamamaraan.

Shookt ang mayorya sa dramarama ni Gonzaga sa unang niyang pangungusap sa online niyang post na: “On my birthday, God taught me a hard and important lesson.”

Pati ang “Diyos” ginagamit nito para nga naman maging sinsero ang kanyang paghingi ng sorry. Pwede namang magpaumanhin na hindi ginagawang pananggalang ang Panginoon.

Para sa mayorya, using God’s name in vain ang dramarama nitong si Mrs. Mikee Morada. Wala umanong sinseridad. Ginawa lang ba niya ito to save her face and skin?

Kung ang insidenteng ito ay talagang may natutuhan si Alex Gonzaga, good. May mga aral naman talagang we learn and earn the most difficult way.

Naway hindi na maulit pa ang insidenteng ito. Kahit kailan naman kasi, hindi puwedeng i-sugar coat ang kakulangan sa mabuting asal at tamang pag-uugali.

The post Alex ‘inuupakan’ pa rin first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments