Sabay sa March 1 ang “Martyr Or Murderer” ni Darryl Yap at “Oras De Peligro” ni Direk Joel Lamangan. Juice colored! Anong kaguluhan ito?
Ang unang playdate ng “MOM” ay February 22 (to comemorate People Power). March 1 pa ang “ODP” kasi may 2 Pinoy films na on Feb. 22.
Kara-karaka, ang Yap directed movie ay inilipat ang play date at sa March 1 nga ang head-on collision nito sa Lamangan helmed motion picture.
Mahabaging langit, ano ba ang puwqede nating asahan sa salpukang ito sa mga sinehan. Ipaparamdam ba ng 31 million Filipinos ang kanilang pagmamahal sa pelikula ni Yap at ipapakita sa lahat na hindi “fluke” ang tagumpay ng nauna nitong historical drama, ang “Maid in Malacanang”?
Eh,kamusta naman ang pangkat pinklawan at ang mga gigil na gigil at gising-gising, ang “Oras de Peligro” kanila bang ipapakita ang kanilang fuerza at purchasing powers at gagawin nilang lahat para masigurado na ito ang pelikulang tatangkilikin ng sambayan.
Ang “MOM” versus “ODP” ay sa totoo lang, eh direk Darryl versus direk Joel na alam naman nating bukas na aklat ang mga pinanaligan at pininiwalaan sa politika. Tiyak na may mga maanghang na patutsadahan ang magaganap. Pangmalakasan ang pang-aasar at pambebelat. At pagalingan ng pang-rarahuyo sa mga manonood kung sino ang tatangkilikin.
Talaga namang ito na nga ang pinaka-exciting na tunggalian sa takilya at sa puso ng mga manonood, hindi ba naman? (Alwin Ignacio)
The post Direk Joel, Darryl tuloy ang salpukan first appeared on Abante Tonite.
0 Comments