Bawi next year – Catriona

Umani ng thumbs up ang naging performance ni 2018 Ms. Universe Catriona Gray bilang backstage commentator sa nakaraang 71st Ms. Universe pageant na ginanap sa New Orleans sa Estados Unidos kamakailan.

Katunayan, maganda ang naging tandem nila ng American entertainment reporter at TV personality na si Zuri Hall.

Nagbigay pugay rin si Catriona sa kontrobersyal na beauty queen na si Miss USA 2019 Cheslie Kryst na nag-suicide noong nakaraang taon. Ani Catriona, naging roommate raw niya noon si Cheslie noong kapuwa pa sila kontesera.

Sa pag-aanunsyo naman ng top 16 na pumasok sa Miss U, hindi napigilang madismaya at manghinayang ng beauty titlist sa pagkakaligwak kay 2022 MUP Celeste Cortesi at ilan pa niyang bet na kandidato sa ASEAN countries “Guys, you are not alone. Philippines, Thailand, Mexico, Indonesia – I know you might be feeling a little bit of disappointment right now but we always have next year,” aniya.

Sa idinaos na pageant, wagi si Ms.USA R’Bonney Gabriel bilang 2023 Ms. Universe. (Archie Liao)

The post Bawi next year – Catriona first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments