Liza minaldita sa bihis beauty queen

Noon pa mang hirangin si Liza Soberano bilang one of the most beautiful faces in the world ng mga kritiko, marami na ang nag-engganyo sa kanya na sumali sa beauty pageant.

Simple lang naman ang naging sagot ng aktres noon sa kabila ng maraming kumukumbinsi sa kanya.
Aniya, pakiramdam daw niya ay hindi para sa kanya ang nasabing larangan.

Katunayan, basically shy daw siya at wala raw siyang confidence ng isang beauty queen.

Sa isa namang video, nagkaroon ng beauty queen makeover ang Careless label talent kung saan inayusan siya ng pamosong makeup guru na si Patrick Starr.

Sa nasabing collaboration, nag-transform si Liza into a beauty queen. Ramdam ng madla ang kanyang kumpiyansa sa sarili.

Hirit tuloy ng kibitzers, hindi raw kaya kainin ng aktres ang kanyang salita at sumabak na rin ito sa beauty pageants tulad ng Miss Universe.

May mga umokray rin sa kanyang pakiyeme lalo pa’t pumayag naman siyang bihisan ni Starr bilang beauty queen.

May mga nagmamaldita pang nagsabing nagpaka-relevant daw ito. Lalo pa’t pinag-uusapan ngayon ang topic tungkol sa mga timpalak pangkagandahan na lumalawak na ang sakop dahil pati transgender at mga may asawa ay puwede nang sumali.

The post Liza minaldita sa bihis beauty queen first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments