Inamin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Senado na walang closed-circuit television (CCTV) ang kuwarto nila na kinaroroonan ng air navigational system.
Sa pagdinig ng Senate committee on public services, tinanong ni Senate President Juan Miguel Zubiri si CAAP Director General Manuel Tamayo kung may CCTV ang communications, navigation, and surveillance/air traffic management (CNS/ATM) system room.
Nais kasi malaman ni Zubiri ang mga pangyayari sa likod ng aberya sa air traffic control system ng NAIA na nagresulta sa pagkaantala na mga local at international flight noong Enero 1, 2023.
“We would like to know and we like to ask CAAP if they can submit to us the CCTV footage, I hope that there is CCTV footage, can we confirm thru Director General Tamayo that this particular areas have CCTV footages?” tanong ni Zubiri.
Sagot naman ni Tamayo: “Unfortunately, we don’t have any CCTV coverage inside the equipment room, but in other areas of the facility, we have.”
Dagdag na tanong ni Zubiri: “Are you trying to tell me that in the most sensitive portion of the functions and navigational equipment of our country, which is the CNS/ATM room, we have no CCTV?”
Sinagot naman ito ni Tamayo at sinabing tama ang senador.
Binigyang-diin naman ng CAAP chief na may ipinatutupad silang “very strict” na protocol sa nasabing pasilidad at kinakailangan na may special ID o susi para magkaroon ng access bukod pa sa 24/7 na security. (Dindo Matining)
The post CAAP walang CCTV sa air navigation room first appeared on Abante Tonite.
0 Comments