Nagpahayag ng pagkadismaya ang Human Rights Watch (HRW) sa mga napaulat na patuloy pa rin ang mga nagaganap na pagpatay sa mga drug suspect bagamat sinabi na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpopokus ang kanyang administrasyon sa rehabilitasyon kaugnay ng giyera kontra droga.
Ayon kay HRW deputy Asia director Phil Robertson, palaging sinasabi ng pangulo sa mga foreign leader na handa siyang pagbutihin ang sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas ngunit hindi ito mangyayari hangga’t pinapatay ng mga pulis ang mga pinaghihinalaang gumagamit ng droga.
“Marcos has a golden opportunity to prove that he is serious about human rights by ordering the end of the drug war,” pahayag ni Robertson.
Giit ng HRW, dapat na utusan ng pangulo ang Philippine National Police (PNP) na wakasan na ang kanilang `deadly anti-drug raids’.
Batay umano sa datos ng gobyerno, hindi bababa sa 6,200 suspek sa droga ang napatay sa mga operasyon ng pulisya mula Hunyo 2016 hanggang Nobyembre 2021. (Dolly Cabreza)
The post Human Right Watch: Tokhang namamayagpag pa first appeared on Abante Tonite.
0 Comments