DBM chief: Magtiwala tayo kay PBBM

Hinimok ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang sambayanang Pilipino na magtiwala sa liderato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong bagong taon.

Aminado ang kalihim na mabigat ang mga pagsubok na dumating sa buhay ng mga Pinoy nitong nakalipas na ilang taon dahil sa pandemic subalit nalampasan pa rin aniya ito ng bansa.

Ayon kay Pangandaman, bukod sa pandemya, naranasan din ng bansa ang mga kalamidad at iba pang pagsubok subalit nanatiling matapang, nagkakaisa at matibay ang kalooban ng mamamayan.

“The indomitable spirit of the Filipino people remained steadfast and unwavering,” wika ni Pangandaman.

Buo ang tiwala ng kalihim na mas magsisipag pa ang administrasyong Marcos para ibangon ang mga Pinoy mula sa kahirapan.

The post DBM chief: Magtiwala tayo kay PBBM first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments