Earl Scottie Thompson patok sa Best Player of the Conference

Sakripisyo na naman para sa Barangay Ginebra San Miguel ang anim na araw na break sa 47th Philippine Basketball Associaton 2022-23 Commissioner’s Cup Finals.

Pagkatapos ng 99-82 loss ng Gin Kings sa Bay Area sa Game 2 noong Dec. 28, sa January 4 na babalik ang Game 3 sa SM MOA Arena sa Pasay.

Bumawi ang Dragons mula sa 96-81 loss noong Game 1 para itabla ang best-of-seven sa 1-1.

“It’s more tough kasi coming holidays na naman, New Year,” bulalas nitong isang araw ni Ginebra guard Earl Scottie Thompson. “Maraming sakripisyo na naman for each and every one of us especially sa families.”

Welcome din naman aniya ang six-day break dahil nakapahinga ang magkabila, lalo ang mga nasasagad.

“Kasi nga ‘yung sa mga adjustment namin, mas makakapag-prepare kami especially ‘yung mga maglalaro ng heavy minutes, makakapagpahinga lalo na si Justin (Brownlee),” dagdag ng reigning Most Valuable Player na top contender din sa Best Player of the Conference award ng mid-season tourney.

Nang sikwatin ng crowd favorites ang opener, guest team ang nakapag-adjust sa sumunod na laro kaya tumabla. Pagkakataon naman ng Ginebra na magplano ng sariling adjustment. (Vladi Eduarte)

Namamayagpag si Earl Scottie Thompson sa Best Player of he Conference.

The post Earl Scottie Thompson patok sa Best Player of the Conference first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments