Hidilyn Diaz-Naranjo pinakatigasing atleta sa pandemya, bagong normal

Habang may matitinding hamon at mahirap ang lahat mga ng bagay, mas naging masigasig at matatag ang 2020+1 Tokyo Olympics at 2022 Bogota World Women’s Weightlifting Championships gold medalist na si Hidilyn Diaz-Naranjo.

‘Yan ang mga susi ng Indonesia 2018 Asian Games at 2022 Vietnam Southeast Asian Games champion weightlifter mula Zamboanga City kahit magtatatlong taon sa sa Marso ang COVID-19. Dehins nagtinag kahit naipit din ng dalawang taong lockdown sa Malaysia, naging daan pa tungo sa pagwawagi nito sa pinakaunang gintong medalya ng bansa sa sa quadrennial sportsfest sapul noong 1924.

“Gusto kong ma-challenge. Ngayong taon ay magiging mas disiplinado ako at determinadong manalo ng back-to-back Olympic gold para sa ating bansa,” sey nitong isang araw lang ni Diaz-Naranjo, na nakatuon sa unti-unting pagbabalik sa normal ng buong mundo matapos ang pagsiklab ng pandemya noong Enero 2020.

Aminado ang 31 taong-gulang, may taas na limang talampakang sundalo (Air Force 2nd Lt.) na mas lalong tumitindi ang hamon sa kanyang daanan lalo na sa asintang pangalawang Olympic gold sa 33rd Summer Games 2024 sa Paris, France.

Diaz-Naranjo

Gayunman, ang mga karanasan ng apat na beses na Olympian sa nakalipas na mga taon ang nagbibigay ng mga paraan upang mas lalong alamin ang mga hindi pamilyar na teritoryo para sa paghahanda at pagsabak sa mas mataas na kategorya na women’s 59 kilogram, makalipas ang tagumpay sa 55kg.

“Natutunan namin noon na hindi porke lockdown ay hindi ka na mag-eensayo. Maraming paraan na puwede gawin para maabot mo ang gusto mo pang makamit sa buhay mo,” sey ng atleta.

Sasabakan ni Diaz-Naranjo ang weight class na hindi pa nasasalihan at makita ang mga magiging kalaban. Pero optimistika aniya siyang agad na makakapag-adust sa tulong na rin ng kanyang mga propesyonal na taong nakapaligid na nsa Team Hidilyn Diaz at suporta ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee. (Lito Oredo)

The post Hidilyn Diaz-Naranjo pinakatigasing atleta sa pandemya, bagong normal first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments