Kathryn, Xian, Pops, Vhong, Lani, John binahagi mga natutunan sa pandemya

Dahil unti-unti nang nagbabalik ang lahat sa tinatawag na ‘new normal’, mula sa face to face classes at maging sa operasyon ng mga negosyo, maraming naging baon sa kanilang mga karanasan ang bawat Pinoy na naka-survive ng pandemya lalo na noong panahon ng lockdown o community quarantine.

Kabilang dito ang produksyon ng mga manggagawa sa pelikula at telebisyon, umaarangkada na ang live shows at concerts at nagbukas na ang mga sinehan , tinanong namin ang ilang celebrities tungkol sa kanilang mga natutunan sa nangyaring health crisis sa bansa at pati na tungkol sa mga diskarte nila o ng kanilang mga kababayan sa pagharap sa pinakabagong hamon ng ‘’new normal.”

Ito ang kanilang mga ibinahagi.

Vhong Navarro: “ Siguro para sa akin huwag pa rin tayo maging kampante. Alagaan natin at huwag pabayaan ang kalusugan. Mag -exercise at bawasan ang pagkain ng masama sa katawan at samahan ng regular na pagpapa-check up. Maging agresibo sa paghahanap ng trabaho. Matutong mag-ipon na para pag mảy emergency may madudukot na pera. Laging magbasa at manunuod ng totoong news para malaman ang totoo at hindi fake news na nakikita lang sa ibat ibang platforms.”

Kathryn Bernardo: “I guess, the biggest realization na natutunan ko ay iyong kahalagahan ng kalusugan, iyong pagiging hygienic sa katawan. Iyong importance also ng family, iyong pag-spend ng quality time mo sa family mo na sa panahon pala ng ganoong challenges ay sila lang ang maaasahan mo. Sa diskarte, nakikita ko iyong pag-prioritize rin nila sa health at hindi pagiging kampante pagdating sa protocols.”

Xian Lim: “The pandemic taught us that life is short. Hindi mo talaga alam ang mangyayari. So kung may gusto ka sa buhay, may passion ka, gawin mo. Work hard for it kasi you can never tell kung hanggang kailan ka mabibigyan ng pagkakataon to realize your dreams. So dapat, gawin mo na.”

John Estrada: “Well, first and foremost, naniniwala kasi ako na kailangang alagaan mo ang sarili mo healthwise. I really believe that health is wealth. What I do, I try to live a healthy life. I exercise everyday para naman kung may mangyari, you’re out and about and masasalag mo kung anumang sakit o epidemya.”

Lani Misalucha: “Actually, ang observation ko, dahil almost 2 years tayong nakakulong, everyone wants to be free after being confined from their homes. Every one wants to go out and feel the regular day to day routine. For me, one thing I realized also is that you will really know what’s going to happen. It’s very unpredictable. Siguro, what the pandemic taught us is…to take one day at a time and to continue to have faith. Kasi kung wala kang faith, wala kang kakapitan. Kumbaga, kung spiritual ka dati, mas naging prayerful ka ngayon and I can see that now.”

Pops Fernandez: “Galing kasi ako sa Amerika and we’re still aware of Covid pero I guess, because may vaccine na tayo, siguro iyong pag-iingat pa rin. Pero sa ngayon, sa nakikita ko, mas confident na tayo na we can really go out and start working and we just hope that the vaccine is working. Na-realize ko rin na anything can happen, so we should appreciate life and enjoy every moment of it.”

(Archie Liao)

The post Kathryn, Xian, Pops, Vhong, Lani, John binahagi mga natutunan sa pandemya first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments