Nakawan, rape talamak sa Marcos admin

Inamin ng Philippine National Police (PNP) na isa sa may pinakamataas na kaso ng krimen sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay ang pagnanakaw.

Sa kanyang pahayag, binigyang pansin ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na ang kaso ng pagnanakaw na naitala ng kapulisan ay tumaas mula 6,304 noong Hulyo 2021 – Enero 7, 2022 hanggang sa 6,682 noong Hulyo 2022 hanggang Enero 7, 2023.

Bukod sa pagnanakaw, nangunguna rin ang rape at physical injury sa kadalasang krimen sa ilalim ng pamumuno ni Marcos Jr. ngunit hindi katulad ng pagnanakaw, ang dalawang nabanggit ay bahagyang bumaba sa ilang mga rehiyon sa bansa.

Patuloy pa rin umano ang PNP sa masigasig na pagbabantay at pagprotekta sa kapakanan ng publiko sa ilalim ng administrasyon ni Marcos Jr. (Jan Terence)

The post Nakawan, rape talamak sa Marcos admin first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments