Mga Chinoy imbudo kina Derek, Ellen

Under fire ngayon sa online world ang mag-asawang Derek Ramsay and Ellen Adarna dahil sa video na ipinost ng aktres sa kanyang Instagram Story last Monday.

Wala na ngayon ang video sa kanyang IG pero nairepost na ito ng ibang netizens kaya nagsi-circulate pa rin sa online sites and social media.

Makikita sa video na nagsasabit si Derek ng Philippine flag sa kanilang balkonahe at sa harap ng bahay nila ay makikita naman ang isang bahay na may nakasabit na Chinese signs.

“I like the view (three laughing emoji) #proudpinoy Patriotic [laughing emoji] @ramsayderek07,” Ellen wrote.

Sa video ay makikita ring nag-zoom pa ang camera sa bahay na may Chinese sign at maririnig pa ang tawa ni Ellen.

Hindi nagustuhan ng maraming netizen ang ginawa ng mag-asawa lalo nga ang mga Chinoy (Chinese-Pinoy) dahil feeling nila ay binabastos umano ng mga ito ang Chinese tradition.

May isang netizen na nag-translate ng Chinese characters na nasa harap ng bahay ng kapitbahay ni Derek na ang ibig sabihin daw ay “May good luck arrive at these doors each year. And may all things be gradually fulfilled to your heart’s desires.”

May nagpaliwanag ding netizen na Chinese New Year daw kaya nagsabit ng ganu’n ang kapitbahay na marahil nga ay Chinese.
“Onting respect naman sa aming mga chinoy,” komento ng isang netizen.

“Chinese New Year kasi kaya mga Chinoy nag sasabit ng red paper for luck and prosperity,” paliwanag naman ng isa pang Twitter user.

“Parang tanga lng, apaka immature naman. Grow up!” reaksyon ng isa pang netizen.

“The people living there are likely filipino-chinese, so anong gusto nila palabasin? if they really want to raise the flag “against enemies” head to where they actually are and stop antagonising the neighbours!” payo naman ng isa pang netizen.

“I smell low key racism in there. And it’s ironic that Ellen Adarna is also a Chinese-Filipino herself…” sey naman ng isa pa.

“Chinese New Year traditional practice nila yan! Respect po,” another comment sa social media.

Puna naman ng isa pa, “Kitang kita sa video na they hang the flag to mock their neighbors who were just celebrating cny (Chinese New Year); those strips were about goodluck. Its just pure disrespect.”

Komento naman ng isa pa, “There are many other ways to be proud of being Pinoy (like choosing leaders wisely?). For me, there’s malice in putting our flag as a distasteful gesture to a neighbor who must be simply celebrating the Spring Festival? Call out the government, not the people.”

Pinaka-natouch kami ay sa reaksyon ng isang Chinoy actor na nangangalang Richard Juan. Ini-retweet niya ang video ni Ellen at pahayag niya sa caption, “the sad truth is, despite HUNDREDS OF YEARS of history in the Philippines, it’s the unwelcoming actions like this that make us Chinoys feel like we STILL don’t belong here.”

Well, siguro ay dapat magpaliwanag sina Derek at Ellen sa ginawa nila or maglabas ng public apology sa mga nasaktan nila. (Vinia Vivar)

The post Mga Chinoy imbudo kina Derek, Ellen first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments