MRT-3 pinutol biyahe mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard

Nagpatupad ang Metro Rail Transit (MRT line 3) ng provisional operations mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard sa Mandaluyong City.

Dahil dito, nasa 8 train units lamang ang tumatakbo sa nasabing ruta bunsod ng limitadong operasyon.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pamunuan ng MRT-3 ang sanhi ng problema na nagresulta sa pag­lilimita ng biyahe ng kanilang mga tren.

Samantala, bandang alas-kuwatro ng hapon ay binawi na ng MRT line 3 ang provisional service dulot ng rolling stock problem sa inter-stations ng Taft at Magallanes (northbound).

Bandang alas-4:30 ng hapon (Enero 3), ay balik na sa normal ang operasyon ng MRT-3. (Dolly Cabreza)

The post MRT-3 pinutol biyahe mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments