May utang pa ang Philippine Airlines (PAL) ni Lucio Tan na P1.327 bilyon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) mula sa hindi nito binayarang air navigational charges at iba pa, ayon sa 2021 annual report ng Commission on Audit (COA).
Isang ahensya ang CAAP sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) na pinamumunuan ngayon ni dating PAL president Jaime Bautista.
Nagkaroon ng kasunduan ang PAL at CAAP noong 2017 para bayaran ng airline ang P6.965 bilyong utang nito.
Agosto 2016 nang magpadala ng demand letter ang CAAP sa PAL para bayaran ang P6.63 bilyong air navigational fees at charges mula 1977 hanggang Disyembre 2015 ngunit giniit ng PAL na exempted ito sa government fees and charges sa ilalim ng legislative franchise ng airline.
Nakailang beses nagpabalik-balik ang usapan ng PAL at CAAP hanggang ang dating pangulong Rodrigo Duterte na mismo ang naningil sa PAL noong Setyembre 26, 2017 kaya’t nagpadala na ng final demand letter ang CAAP.
Huling sinulatan ng CAAP Enforcement and Legal Service ang PAL noong Hunyo 8, 2022 para kolektahin ang P1.327 bilyon sa isang final demand letter na sinagot naman ng PAL noong Hunyo 17, 2022 kung saan humingi ang airline ng breakdown ng mga sinisingil pa ng CAAP. Kinukwestyon din ng PAL ang iba pang mga charges sa statement of account na pinadala ng CAAP. (Eileen Mencias)
The post PAL higit P1B pa utang sa CAAP – COA first appeared on Abante Tonite.
0 Comments