Paolo ,Yen inintrigang ‘live in’ na

Pagkatapos na umamin ni Paolo Contis sa panayam ng King of Talk na si Boy Abunda na girlfriend na niya si Yen Santos, inulan na naman ng mga batikos ang dalawa.

Katunayan, may naimbudo sa kanilang pakiyeme na ‘what you see is what you get’ at sa sinabi ng Kapuso actor na keber na lang sila sa sasabihin ng mga tao tungkol sa kanilang relasyon.

May ilan ding mga mahadera ang nagtataas ang kilay sa tinuran ng Kapuso actor na hindi si Yen Santos ang dahilan ng hiwalayan nila ng ex na si LJ Reyes.

May mga dudoso rin sa ibinunyag ni Paolo lalo pa’t sa isang panayam ay nagpahiwatig si LJ na may third party na
involved sa kanilang breaku-up ng actor bago siya nag-alsa balutan sa Pinas.

Matatandaan din kasing nang naurirat si Paolo tungkol kay Yen noong sighted silang namamasyal sa Baguio noong 2021, itinanggi nitong nagkakamabutihan na sila ng aktres na nakatambal niya sa pelikulang “A Faraway Land.”
Sa Twitter naman ngayon, muli na namang nabuhay at nag-viral ang pangalan ni Yen.

May nang-iintriga pa na ‘live in’ na diumano ang dalawa.

Ito naman ang hirit ng kibitzers tungkol sa isyu nina Paolo at Yen ngayon.

“Siguro kilig na kilig si yen Santos kasi pinakilala sya ni Paolo in national television.”
“Anong nakita ni yen Santos kay Paolo contis? 3 anak sa 2 babae, hindi nagsusustento? “(Archie Liao)

The post Paolo ,Yen inintrigang ‘live in’ na first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments