Robin pinaiyak si Kylie

Nagbigay ng birthday surprise party si Senator Robin Padilla para sa anak na si Kylie Padilla para sa ika-30 birthday nito.

Walang kaalam-alam si Kylie sa sorpresang binigay ng ama.

Sa Padilla Mansion ginanap ang surprise birthday ni Kylie.

Sa Wednesday, January 25 pa ang birthday ng aktres, pero in-advance ng senador ang birthday ng anak.

Ginawa niya ito nu’ng Sunday sa kanilang mansion.

Napaluha si Kylie sa surprise birthday party ng senador.

Halos lahat ng pamilya ng Padilla clan ay nasa party ng aktres. (Beth Gelena)

The post Robin pinaiyak si Kylie first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments