New Era nabulabog sa bomba

Sinuspinde ang mga klase sa New Era Elementary School sa Quezon City matapos mabulabog ng bomb threat, Lunes ng umaga.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), alas-5:30 ng madaling araw (January 23) nang makatanggap ang isang guro ng bomb threat kaya agad niya itong ipinagbigay-alam sa pamunuan ng paaralan at mga awtoridad.

Agad namang nagpasya ang pamunuan ng paaralan na suspindihin muna ang klase para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, mga guro at mga empleyado nito.

Maging ang mga estudyante sa high school department ay pinauwi na rin muna habang nagsasagawa ng inspeksiyon ang mga tauhan ng QCPD sa campus.

Laking pasalamat naman ni QCPD director PBGEN Nicolas Torres III na walang bombang nakita ang kanilang mga tauhan matapos ang inspeksiyon.

Nabatid na aabot sa 6,000 estudyante ang naapektuhan ng naturang banta. (Dolly Cabreza/Edwin Balasa)

The post New Era nabulabog sa bomba first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments