Trak umandar mag-isa, 5 estudyante inararo

NASAWI ang isang babaeng estudyante ng Cavite State University (CSU) habang inoobserbahan ang apat na iba pa nang araruhin ng isang ELF truck nang makalimutang i-hand break ng driver nito sa loob ng nasabing campus sa Indang, Cavite Lunes ng umaga.

Dead on the spot ang biktimang si Elaiza Gerielle Tesoro, 1st year college, ng Brgy. Luciano, Trece Martires City, Cavite habang nakaratay sa ospital sina Fiona Gatchalian, ng Brgy. Cabuco, TMC; Denise Chloe Ricohermoso ng Hugo Perez, TMC; Pauline Diga, ng Tambo Balagbag, Indang, Cavite at Angelo Magno, ng Dasmarinas City, Cavite .

Kinilala naman ang driver ng puting Canter ELF truck na may plakang SKM 564 na si Federico Baculan y Galang, ng Binambangan St., Indang, Cavite.

Sa ulat ni PSMSgt. Nimuel Ace Ferrera, ng Indang Police Station, alas-9:55 kahapon ng umaga nang maganap ang sakuna sa main campus.

Pawang nakaupong nagbabasa ang mga estudyante nang araruhin ng trak na nakalimutang i-hand break ni Baculan.

Namatay noon din si Tesoro habang isinugod sa Gen Emilio Aguinaldo Hospital ang apat na iba pa.

(Gene Adsuara/Catherine Reyes)

The post Trak umandar mag-isa, 5 estudyante inararo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments