Bata sinalpok ng SUV, tigok

Patay ang isang 7-anyos na totoy matapos masagasaan ng SUV habang tumatawid sa highway sa Brgy. Rizal Tagkawayan, Quezon Linggo ng hapon.

Ayon sa report ng Tagkawayan police, alas-2:30 ng hapon, tinatahak ng negosyanteng si Emmanuel Borres Jr., 51-anyos, taga-Masbate ang kahabaan ng Quirino patungong direksyon ng Maynila sakay ng kanyang Toyota Fortuner nang pagsapit sa Brgy. Rizal ay biglang tumawid ang biktimang si Jay-R Soriano at nasalpok ito.

Nagtamo ang bata ng grabeng pinsala sa ulo at katawan na agad nitong ikinasawi.

Kinustodiya naman ng Tagkawayan police ang driver ng nakabanggang SUV na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Ayon sa negosyante, hindi niya akalain na biglang tatawid ang bata at posible aniyang hindi rin nakita ng bata na paparating ang kanyang sasakyan kaya nangyari ang sakuna. (Ronilo Dagos)

The post Bata sinalpok ng SUV, tigok first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments