Isang grupo ng kababaihan na nananawagan ng “Justice for Dogs” ang naghain ng mga reklamo laban sa isang veterinary clinic sa Quezon City dahil sa gross negligence at fraud.
“We want justice for our pets. There should be awareness about St. Anne’s Veterinary Clinic, they should be investigated and charges should be filed against the owners and operators of the clinic,” wika ng isang complainant sa Politiko_Ph.
Agad namang itinanggi ni Charie Daneiga ang mga alegasyon. Si Charie ay part-owner ng clinic pinapatakbo ng kanyang mister na beterinaryong si Jess.
Sa reklamong inihain sa National Bureau of Investigation, ang pet clinic ng mag-asawang Daneiga ang responsable umano sa pagkamatay ng tinatayang 10 aso na nasa kanilang pangangalaga.
Ikinuwento ng isa sa naging biktima na dinala niya sa clinic ang isang taon gulang niyang babaeng asong si Britney para sumailalim sa spaying procedure noong Nobyembre 7, 2022.
“On Nov 25, my dog died and they did not give me any reason why. I was so depressed of the death of Britney that I had a miscarriage,” saad ng biktima.
Nanatili raw ang kanyang alagang aso sa clinic ng sampung araw at palaging sinasabi ni Daneiga na okay naman ang aso at nagpakita pa ng video na naglalakad ito. Gayunman, kailangan pa rin daw manatili sa clinic ang aso para patuloy itong maobserbahan.
“I wanted to bring Britney home or to other clinic, but Jess insisted to let her stay and monitor her recovery,” ayon sa complainant.
Idinulog na raw ng complainant ang kaso sa Philippine Veterinary Medical Association (PVMA) pero hindi sila makaaksyon dahil isa sa respondent ay hindi lisensiyadong beterinaryo kaya wala silang hurisdiksyon kaya sa NBI na lamang sila naghain ng reklamo.
Binanggit ng complainant na may iba pang pet owner silang nakausap na may reklamo rin laban sa veterinary clinic.
“I found out there were other pet owners that went through the harrowing experience of their pets under their care,” anang complainant.
“What make it more painful for us, is they informed us after our pet is gone, no compassion for the pets and worst , they do not give any reason or cause of death,” lahad naman ng isa pang complainant.
Sabi naman ni Daneiga, nagsampa rin sila ng reklamo sa barangay laban sa mga complainant dahil pinost sa social media ang pagkamatay ng mga aso dahil umano sa kanilang kapabayaan.
“We cannot talk about it now, because there’s one more meeting in the barangay where we filed our complaint of cyberbullying, but we denied the allegations and we have the files of the dogs,’’ giit ni Daneiga.
The post Vet clinic papanagutin! ‘Hustisya sa 10 natigok na aso’ first appeared on Abante Tonite.
0 Comments