Dabawenyo nasungkit P35.3M Lotto 6/42 jackpot

Instant milyonaryo ngayon ang isang mananaya mula sa Davao del Sur na tinamaan ang winning combination para sa Lotto 6/42 draw Martes ng gabi na umabot sa higit P35 milyon.

Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkoles, nakuha umano ng Dabawenyo ang winning combination na

34-24-02-06-33-07 na umabot sa P35,314,806.60 ang kabuuang jackpot prize.

Pero nilinaw din ng PCSO na mababawasan ng 20 porsyentong buwis ang jackpot prize alinsunod sa itinakda ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAN) Law.

Samantala, 20 mananaya naman tatanggap ng tig-P24,000 matapos tamaan ang lima mula sa anim na winning digits.

May 1,357 lotto bettor ang tig-P800 para sa tinamaan na apat na digit habang 25,109 ang tig-P20 naman para sa nakuhang tatlong digit mula sa winning combination.

The post Dabawenyo nasungkit P35.3M Lotto 6/42 jackpot first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments