NI: ROLDAN CASTRO
BILANG paghahanda sa ika-14 na anibersaryo ng Beautederm Corporation, binuksan ang bonggang headquarters nito sa Angeles City.
Bukod kina Marian Rivera at Dingdong Dantes, dumalo rin ang social media influencer na si Zeinab Harake.
Nag-palpitate si Zeinab dahil nakasama niya ang idol niyang si Marian sa pamamagitan ng President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan.
“Malaki ang pasasalamat ko kay Mommy Rei kasi hindi lang niya ako pinapasok sa Beautederm family, binigyan pa niya ako ng isang pagkakataon na ma-meet ang idol ko,” deklara ni Zeinab.
Nakisaya rin sina Jelai Andres Sunshine Garcia, Bulacan Vice Governor Alex Castro, ,Buboy Villar, JC Santos, Shyleena Herrera, , Darla Sauler.
Anyway, sa humigit na isang dekada, nakuha ng Beautéderm ang tiwala ng milyun-milyong mga loyal consumers nito bilang isang industry leader sa larangan ng beauty at wellness dahil sa mga di mabilang na mga produkto nito na ngayon ay maituturing nang daily essentials na kinabibilangan ng skin at body care; vitamins at health boosters; home fragrances; mga patented merchandise; at marami pang iba.
At sa loob ng halos dalawang taon, sa pamumuno ni Rhea Anicoche-Tan, ang buong team ng Beautéderm ay masusing plinano ang desinyo at pagpapatayo ng Beautéderm Headquarters. Layunin nito na maging base of operations ng kompanya at maging isang premier lifestyle venue sa Angeles City, Pampanga.
Sa building matatagpuan ang bahagi ng Beautéderm Group Of Companies gaya ng luxury store na A-List Avenue, na nagbebenta ng mga high-end fashion brands; ng BeautéHaus, na isa sa mga pangunahing aesthetic clinics sa Northern Luzon; ng AK Studios – na isang state-of-the-art studio na angkop para sa mga photo shoots at video productions; at ng Beauté Beanery – na itinuturing bilang poshest fusion restaurant at café .
“Beautéderm Corporate Headquarters is truly a dream come true,” payahag ni Ma’am Rei . “Each person who ever believed and continue to believe in my vision to contribute a beautéful difference in this world has impacted every brick, metal, and stone of this building. Hindi ko ito nagawa mag-isa – madami ang tumulong sa akin. I dedicate this to all our consumers not only here in the Philippines but around the world as well, to my hardworking staff, to my brand ambassadors, and to all our resellers, distributors, and franchisees. Together, we are ready more than ever, to face the promises of the coming years anew with all our hopes and dreams.”
“Sa lahat ng ating pinagdaanan sa nakalipas na halos tatlong taon, it is my fervent prayer for all of us to pick-up where we left off in 2020 as we all rise up together hand-in-hand for a bright future that I know awaits all of us,” sabi pa niya
“May we all be blessed with good fortune and may we all continue to strive and thrive in making all of our beautéful dreams come true,” pagtatapos ni Madam Rei.
Sa ilalim ilagay ang link
The post Zeinab nakipagtagpo kay Lodi Marian; todo pasalamat kay Rhea Tan first appeared on Abante Tonite.
0 Comments