7K deboto bumuhos sa simbahan ng Quiapo

Pinutakti ng mga deboto ang simbahan ng Quiapo kahapon mula nang ibalik ang tradisyunal na paglalagay ng krus na abo sa noo o Ash Wednesday bilang hudyat na rin ng pagsisimula ng Kuwaresma.

Nabatid sa Manila Police District (MPD) Plaza Miranda PCP, ayon na rin kay MPD-PIO Major Philipp Ines, alas-singko pa lang ng umaga kahapon ay tinatayang nasa 7,000 ang bumuhos at maagang pumila para makapagpalagay ng abo sa kanilang noo sa Quiapo Church.

Ang nasabing simbahan ay may kapasidad lang na 1,200 kaya karamihan ay nagtiyagang makinig ng misa sa labas ng simbahan partikular sa Plaza Miranda at kahabaan ng Quezon Boulevard.

Pagsapit ng tanghali, dahil na rin sa mainit na panahon ay nakapagtala na lamang ng 900 na crowd estimate.

The post 7K deboto bumuhos sa simbahan ng Quiapo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments