Abante TeleTabloid kaabang-abang

Magbabalik muli ang pinakaaabangang TeleTabloid ng mga suki ng Abante at Tonite sa bagong timeslot.

Alas-6:00 ng gabi hanggang alas-6:30 ng gabi at siyempre ay si Mr. Fu pa rin, ayon sa mga boss ang host. Sabagay sa unang labas ng Abante TeleTabloid noong Oktubre ay mukha na ni Mr. Fu ang bumalandra sa mga social media account ng Abante kaya siyempre mukha pa rin niya ang maghahatid sa atin ng mga sariwang balita na mababasa pa kinabukasan sa mga pahayagan.

Balita ko ay maraming pasabog na inihanda ang mga bumubuo ng TeleTabloid kaya, pakaabangan ko ito at dapat maging ng mga ka-tabloidista sama-sama nating tutukan ang paghahatid ng mga nangungunang balita ng TeleTabloid.

Gawin na nating bisyo ang pagtutuok sa TeleTabloid lalo na’t mapapanood na rin ito sa YouTube channel ng Abante, Facebook page, Tiktok at maging sa Twitter dahil tiyak mauuna kayo sa mga balitang nais ninyong malaman sa mundo ng showbiz, sports, politika, mga krimen, kalusugan, lifestyle, negosyo at maraming iba pa.

***

Sa kabilang dako naaalala ko ang husay na ipinamalas ni dating PNP chief Guillermo Eleazar sa ating pambansang kapulisan ngayong nakakarinig ako ng mga balita tungkol sa mga pulis na sangkot sa kalokohan.

Para kasing nawala ang ipinaiiral na paglilinis sa hanay ng kapulisan matapos itong magretiro.

Napakarami kasing nagawa ni Eleazar para malinis ang hanay ng PNP mula sa mga sangkot sa kotong hanggang sa ilegal na droga ay nagawa niyang mapatino ang kapulisan.

Marami siyang programang ipinatupad na nagkaroon talaga ng mabuting epekto sa mga pulis. Pero nakakalungkot na hindi ito naipagpatuloy kaya hayan maraming pulis ang walang takot na pumasok sa ilegal.

Nakakapanghinayang lang dahil hindi ipinagpatuloy ng mga naging kasunod nitong pinuno sa PNP ang mabuting binhing itinanim ng retiradong heneral.

Pero hindi pa huli ang lahat, sana ay magbalik-tanaw ang mga namumuno ng PNP at piliin ang mga programang naging epektibo sa kapulisan sa ilalim ng pamumuno ni Gen. Eleazar at buhayin ito o mas lalo pang pag-ibayuhin para sa kapakinabangan ng ating pambansang kapulisan.

The post Abante TeleTabloid kaabang-abang first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments