FiLay lambingan 17M view na

Ang lakas talaga ngayon ng FiLay loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco .Kilig na kilig talaga ang mga fan sa kanila.

Patok na patok nga ang latest TikTok video na ipinost ni David kung saan ay makikitang nagpapa-cute lang silang dalawa ni Barbie.

Would you believe, umaani na ng 17.8M views and 2.2M likes ang nasabing in just five days simula nang i-post niya ito? Pati sa comment section ay libo-libong fans ang nagkomento saying na grabe ang kilig na nararamdaman nila.

Aliw na aliw kami sa komento ng fans na pati ang boyfriend ni Barbie na si Jak Roberto ay dinadamay nila.

“Jack pumasok ka muna sa libro ng florante at laura,” kantyaw ng isang fan.

“@Jak Roberto kaw na mag adjust, mag abroad ka muna,” komento naman ng isa pa.

Payo naman ng isang netizen, “pareng jak ihanda mona.”

Nagsimula lang sa seryeng “Maria Clara at Ibarra” ang FiLay loveteam kung saan ay gumaganap si David bilang Fidel habang si Barbie namay ay si Klay. Labis na kinilig ang manonood sa kanilang tambalan at ngayon nga ay ikino-consider nang isa sa newest and hottest loveteams in showbiz. Tinatawag din sila ngayong Breakout and Well-loved Loveteam.

The post FiLay lambingan 17M view na first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments