Andrea happy sa pinapatayong bahay ni Belle

Finally ay natupad na rin ang pangarap ni Belle Mariano na makapagpatayo ng bahay para sa kanyang pamilya.

Sa kanyang latest Instagram post ay proud na ipinakita ni Belle ang groundbreaking ceremony or pagsisimula ng construction ng kanyang dream house.

Sa kanyang caption ay tila hindi pa rin makapaniwala ang ka-loveteam ni Donny Pangilinan na natupad ang kanyang pangarap.

“Still pinching myself! Dreams really do come true!” ani Belle.

“I share this humbling moment to all of you who walked with me in this journey,” sey pa niya.

Dumagsa naman ang pagbati kay Belle ng fans, supporters, friends and kapwa-celebrities kabilang na ang naging co-star niya sa ‘Kadenang Ginto’ na si Andrea Brillantes.

Deserve na deserve ni Belle kung anuman ang narating niya ngayon dahil pinaghirapan naman niya talaga lahat ito. Nine years old pa lang ay nag-aatista na siya’t marami nang nagawang proyekto sa ABS-CBN kabilang na ang ‘Goin’ Bulilit.’

Matagal ang hinintay niya at ilang supporting roles na rin ang nagawa niya bago nabigyan ng break at ito ay nang bigyan sila ni Donny Pangilinan ng sariling TV series na ‘He’s Into Her’ na luckily ay nag-click sa manonood.

Ngayon ay isa na sa hottest loveteams ang DonBelle at kabi-kabila ang kanilang endorsements and projects.

The post Andrea happy sa pinapatayong bahay ni Belle first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments