Beauty tamad maligo

Sumalang sa ‘Fast Talk’ ni Boy Abunda ang Kapuso actress na si Beauty Gonzales.

Growing up, hindi raw niya inisip na maganda siya dahil may body weight issues siya noon.

Katunayan, chabelita raw siya noon bago pa man siya sumabak sa showbiz.

Sa tanong kung ano ang pipiliin niya between beauty and the beast, bet daw niyang pareho.

Mas gusto rin daw niya ang vibe ng probinsya kesa sa siyudad dahil promdi by heart siya.

Beauty with a purpose din ang pinili niya over rebellious beauty samantalang mas importante sa kanya ang brains over beauty.

Bet din daw niyang magpasaway, magtaray, manampal at magpasampal at magkaroon ng beautiful kesa stolen o fake life.

Sa naturang segment, guilty din daw siya sa aspetong tamad maligo minsan lalo na kung malamig ang panahon.

Aniya, sa ganoong pagkakataon, pina-pamper na lang daw niya ang sarili sa pagwisik-wisik sa katawan ng cologne.

Para sa Kapuso actress, ang laki rin daw nang nagawa ng mister na si Norman Crisologo para mabago ang pananaw niya sa buhay.

Dati raw kasi,feeling niya ay ang dami niyang insecurities dahil sa kanyang nararamdamang impostor syndrome.

Inamin din niya na nagkaroon siya ng anxiety attacks kung saan ang itinuturing niyang naging therapist niya ay ang kanyang kabiyak.

With Norman around, sinusuportahan daw nito ang lahat ng mga pangarap niya sa buhay kasama na ang pag-aartista.

Hirit pa niya, ang esposo raw niya ang nagpapaganda sa kanya at kumukompleto ng kanyang pagkatao.

The post Beauty tamad maligo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments