Pagkatapos ng kanyang rebelasyon sa kanyang vlog tungkol sa tunay na rason sa pag-alis niya sa poder ng Star Magic at ng talent manager turned vlogger na si Ogie Diaz, umani ng samu’t-saring reaksyon ang naging pagbubunyag ng aktres.
Hirit kasi ni Liza, gusto niyang magkaroon na sariling identity outside of LizQuen na naipagkait sa kanya for the past 13 years na siya ay nagtatrabaho.
Sey pa niya, tagasunod lang daw siya at hindi nagkaroon ng pagkakataon na marinig ang kanyang boses.
Katunayan, hindi raw siya ang pumili ng kanyang screen name kundi ang ibang tao.
Nanatili raw siyang identified lamang sa love team partner na si Enrique Gil at nakapagtrabaho lamang sa tatlong direktor sa mga serye at pelikula. Ang feeling niya ay hindi nakahon siya at hindi na-maximize ang potensyal.
Bagamat nagpapasalamat siya sa mga taong tumulong sa kanya kasama na ang LizQuen fans, hiling daw niya na makilala naman siya sa sariling merito.
Dagdag pa niya, nag-join daw siya sa Careless label at nagpa-manage kay James Reid dahil suportado nito ang vision niya na maging independent o malaya.
Sa pagsasalita niyang ito, umani siya ng backlash.
Binalikan ng kibitzers ang naging pahayag niya sa isang panayam noong 2019 kung saan inamin niya mismong tinanong sila ni Enrique ng Star Cinema Managing Director na si Olivia Lamasan kung okey lang ba sa kanila na ipareha sila sa ibang artista.
Ngunit sila umano ang nag-decline at sinabing hindi iyon ang panahon upang ipares sila sa iba.
Ito ang teksto ng kanyang pahayag.
“They were, like, asking us, sina Inang [Olivia Lamasan], ‘Are you guys open to working with other actors and actresses in the future?’
“Parang I don’t think it’s really time for us yet to separate; but it’s really inevitable because we really need it for our growth and also for the company’s growth as well.
“So it’s not like when they partner certain individuals from a love team, they’re separating the love team. It’s not really like that. They can always do another project, so the love team is always there. They’re just expanding their craft and their talents.”
Dahil dito, naba-bash ang aktres sa umano’y pagkontra nito sa naunang pahayag.
META DESCRIPTION: Naglabas ng resibo ang kibitzers kaugnay ng rebelasyon ni Liza Soberano na nakahon siya kay Enrique Gil kaya feeling niya ay hindi na-maximize ang kanyang potensyal. Binalikan nila ang panayam noon sa aktres noong 2019 kung saan sinabi niya na kinunsulta sila ni Direk Olive Lamasan kung okey lang silang ipareha sa iba.
Nadine , Soberano kabugan sa vlog
Sina Liza Soberano at Nadine Lustre ang magkapanabayan noon nang parehong identified pa sila sa kanilang love team partners.
Nang mabuwag ang JaDine at nag-iba ng talent management si Liza Soberano sa kagustuhan nitong matupad ang kanyang Hollywood dream, nabago ang direksyon ng kanilang mga karera.
Napatunayan naman ni Nadine na with the right project ay may hatak siya sa takilya without James Reid nang mag-top grosser sa box office ang kanyang MMFF horror movie.
Sa kaso ni Liza, marami pa rin ang abangers kung ano ang kahihinatnan ng kanyang pagsosolo under Careless management.
Marami rin ang naintriga sa kanyang ginawang pagbura diumano ng mga nakaraang posts sa kanyang Instagram na obserbasyon ng showbiz insiders ay bahagi ng kanyang rebranding.
Starting on a clean slate, makikita ang bagong Liza sa kanyang life update sa IG.
Nag-anyaya pa ito sa kanyang kafaneyan hinggil sa kanyang pagbabalik sa vlogging.
Nitong Pebrero, ini-launch din ni Nadine Lustre ang kanyang vlog sa kanyang YouTube channel.
Dahil dito, nang-uurot tuloy ang kibitzers na dapat abangan ang kabugan nila sa kanilang respective vlogs.
Hirit tuloy ng mga nang-iintriga, sino raw kaya sa dalawa ang mangangabog sa paramihan ng views at subscribers sa kanilang channels.
May mga nagtatanong pa kung kaya raw ba nilang makahabol sa mga nagrereyna na sa pagba-vlog sa pagiging social media influencers.
The post Liza niresbakan sa ‘umay’ hugot kay Enrique first appeared on Abante Tonite.
0 Comments