Bianca Pagdanganan inungusan lang ng 1 palo ng Thai golfer

Nakauna si PK Kongkraphan ng Thailand sa duwelo kay Bianca Isabel Pagdanganan sa mahanging dikdikan nila hanggang katapusan, sinangkalan ang double bogey sa No. 16 ng Pinay ace para sa karampot na isang palo lang na bentahe sa 68 pagkaraan ng 18 butas ng $100K (P5.5M) Anvaya Cove Ladies International Miyerkoles ng hapon sa Morong, Bataan.

Tampok ang tatlo, kasama si Taiwan’s No. 1 Ya-Chun Chang sa pasiklaban na bigwasan sa bawat hole ng Mountain Nine (fronnine) at Seaside Nine (backside) sa kaganapang hatid ng ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.) at inoorganisa ng Pilipinas Golf Tournament, Inc.

Mainit si Pagdanganan sa eagle-birdie-birdie play mula pang-10 para makontrol ang 5-under, pero nawala sa sosyo liderato sa Thai sa double-bogey sa par 3 No. 16 sa lampas na tira. Kailangan niya ng dalawang palo para makabalik sa green at nag-two-putt para sa 5 at ibigay ang tuktok sa dayuhan na nagsalpak ng birdie mula sa 12 talampakan sa penultimate hole.

Nagkasya sa 69 si Pagdanganan samantalang natagalan ni Chang ang pataas-pababang laro sa likuran sa apat na birdie laban sa double bogey upang maisalba ang 70 sa sosyohan tersera ang kababayang si Yi-Tsen Chou at Thai Kusuma Meechai.

Parehas na may 71 sina Taiwanese Ching Huang, dating Ladies Philippine Golf Tour winner sa Midlands, at Thai Kultida Pramphun samantalang pinantayan nina Hsuan-Ping Chang at kapwaTaiwanese Tsai-Ching Tseng at Thais Pakin Kawinpakorn at Preenaphan Poomklay ang par 72.

Ang kabuuan ng mga lokal, ganunpaman, ay gumapa sa mahirap na kondisyon, kabilang si 10th LPGT 2022 three-leg winner Chanelle Avaricio, na may 77 kaakbayan si reigning LPGT OOM champion Chihiro Ikeda sa tablahan sa pang-27, habang nangamote sina Harmie Nicole Constantino at Daniella Uy sa tig-78s sa nalalabing 36-holes ng event na may basbas din ng LPGA of Taiwan.

Sa kabila ng huling bahaging disgrasya kuntento si Pagdanganan sa unang pro tourney niya sa bansa.

“It was super windy so I felt I needed to make quite few adjustments. But I hit a 3-wood off the tee (No. 10) down the middle of the fairway. I had 152 yards left that played 135 yards and used a pitching wedge. Though I hit it short, I got a lucky bounce closer to the hole and made it from 5 feet,” salaysay ng dating SEA Games double gold medalist na puntiryang mabawi ang US Ladies Professional Golf Association sa taong ito, kung san napabilang siyang isa sa mahahabang pumalo sa kanyang unang taon. (Ramil Cruz)

The post Bianca Pagdanganan inungusan lang ng 1 palo ng Thai golfer first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments