Gastos, kita sa Cha-Cha hinirit idetalye

Dapat umanong maging malinaw kung magkano ang gagastusin at kikitain ng bansa sa panukala na amyendahan ang 1987 Constitution.

Ayon kay House Minority Leader Marcelino Libanan dapat magsagawa ng cos-benefit analysis sa panukalang Charter change kung saan sinasabi ng mga nagsusulong nito na ang pag-alis sa restrictive economic provision ay makahihikayat sa mga dayuhang mamumuhunan na pumasok sa bansa.

“If we really want to tweak the economic provisions of the Constitution to draw in more foreign investors, then we would need a baseline comparison of cost and benefit,” sabi ni Libanan.

Nanawagan si Libanan sa National Economic and Development Authority (NEDA) na magsumite ng detalyadong report kung magkano ang inaasahang pamumuhunan na papasok, ilang trabaho ang malilikha at kung magkano ang buwis na makokolekta rito ng gobyerno.

Maaari naman umano na ang Department of Budget and Management (DBM) ay maglabas ng datos kung magkano ang gagastusin ng gobyerno sa pag-amyenda sa Saligang Batas. (Billy Begas)

The post Gastos, kita sa Cha-Cha hinirit idetalye first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments