Heart ‘di sumuko magka-baby

Hangga’t maari ay ayaw nang pag-usapan pa ni Heart Evangelista ang miscarriage na nangyari sa kanya noong 2018.

“Hindi ko siya pinag-uusapan actually, kahit maraming nagtatanong because no matter how you put it, it’s always painful to lose a child. And I didn’t just lose one, I lost twins,” pahayag ni Heart sa panayam ng GMA-7.

Natanong din ang aktres and fashion icon kung may pressure ba sa kanya ngayon na magkaroon pa sila ng anak ni Sen. Chiz Escudero at sey niya, “I must say before, yes. I must say, you know, it wasn’t just because dahil artista ka. Of course subconscious, ‘yung mga makikita mong comments ‘di ba?

“Pero because dahil lahat ‘yon at kahit ‘yung ibang kilala mo sa buhay mo, parang they expect that for me.
“At this point hindi siya binibigay sa akin, so bakit ako magmumukmok, di ba?

“Bakit ako ako magmumumokmok or bakit ako magse-celebrate rin? I will just live my life and I’m happy.”
Is she trying to have a baby now?

“No, I’m not kasi kung pipilitin mo ‘yung hindi para sa ‘yo, para saan pa? But kung para sa ‘yo, eh ‘di para sa ‘yo,” sagot niya.

Pero hindi naman daw ibig sabihin nito ay sumusuko na siya na magkaroon ng anak.

“I’m not giving up, but you know, I’m not pressuring myself,” she said.

At dahil na rin daw sa mga pinagdaanan niya sa buhay ay natuto na rin daw siyang maging matapang.

“Habang tumatanda ka tumatapang ka. Hindi ibig sabihin sumasama ang ugali mo, iba ‘yon. You gain wisdom and you become strong to defend yourself, to defend your loved ones,” aniya. (Vinia Vivar)

The post Heart ‘di sumuko magka-baby first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments