Humilata sa kalsada, senglot napisak

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang hindi pa nakikilalang lalaking napahiga at nakatulog sa kalsada sa kalasingan kaya nasagasaan ng truck sa Lumban, Laguna nitong Lunes ng umaga.

Ayon sa report ng Lumban police, nakaladkad pa ng nasa 40 metro ang biktima na nagdulot ng grabeng pinsala sa ulo at katawan na agad nitong ikinasawi.

Sa imbestigasyon, alas-5:30 ng umaga, minamaneho ni Ronald de Guzman ang truck sa national highway patungong bayan ng Pagsanjan nang pagsapit sa Barangay Lewin, Lumban ay masagasaan ang nakahigang biktima.

Sa pahayag ng driver sa pulisya, hindi niya aniya napansin at hindi inakalang may nakahiga sa kalsada.

Sa panayam kay PMAJ Ruffy Taduyo, hepe ng Lumban police, sinabi nito na isang witness ang nagsabing bago ang insidente ay nakita pa nitong lasing at pasuray-suray na naglalakad ang biktima. (Ronilo Dagos)

The post Humilata sa kalsada, senglot napisak first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments