79 tinedyer, 7 paslit tinamaan ng HIV – DOH

Nasa 86 kabataang Pilipino ang nahawa ng human immunodeficiency virus (HIV) mula sa 1,454 indibidwal na nagpositibo sa naturang sakit noong Enero 2023, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH).

Base sa datos ng DOH, sa 86 na mga bagong kaso, 79 ang tinedyer o edad 10 hanggang 19-anyos habang pito ang 9-anyos pababa pa lamang ngunit may HIV na.

Nahawa umano ang mga tinedyer ng HIV dahil sa pakikipagtalik habang may isang kaso na hindi pa batid kung sa paanong paraan tinamaan ng nasabing sakit.

Samantala, ang mga batang edad dalawa hanggang siyam na taong gulang na tinamaan ng HIV ay nahawa umano mula sa pagbubuntis pa ng kanilang ina.

Nakapagtala naman ng 39 HIV-positive individual mula sa magkakaibang age group na nasawi noong Enero.

The post 79 tinedyer, 7 paslit tinamaan ng HIV – DOH first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments