AllTV may bagong partner sa Primetime

Rumaratsada ang AllTV dahil may bago silang programa na inihain sa mga manonood.

Kamakailan, nagkapirmahan ng kontrata ang ALLTV at METV Pilipinas para sa pagpapalabas ng well-loved Asian hit series sa primetime weekdays na nagsimula noong March 6.

Napapanood na ngayon ang romantic-comedy series – Hot Mom tuwing Lunes hanggang Biyernes, 7pm to 8pm.

“ALLTV strives to bring a different kind of television experience to our Pinoy audience and this partnership with METV Pilipinas is a great opportunity for the station to deliver this kind of quality entertainment,” deklara ni Ms. Maribeth Tolentino, ALLTV President.

Panalo sa mga Pinoy televiewers ang nasabing hit Asian series na pinagbibidahan ng award-winning actress na si Sun Li . Gumanap siya bilang si Xia Bing, isang quirky, goal-oriented fashionable lady na ang pangarap sa buhay ay magpakasal at magkaanak lamang hanggang sa umabot siya ng 30s.

Pero mawiwindang siya sa biglaang pagbubuntis at wala sa planong pagpapakasal kasama ang dyowa na si Yuan Bao (Zhang Yi). Haharapin nila ang hamon ng buhay.

Ang ALLTV ay nagkaroon ng soft launch noong Setyembre. Nagbigay sila ng masaya, nakakaaliw at informative shows.

“We’re grateful for this partnership with ALLTV and we look forward to the start of bringing together a new flavor of content to our fellow kababayans,” bulalas naman ni Peter Paul Sales, METV Pilipinas President. (Roldan Castro)

The post AllTV may bagong partner sa Primetime first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments